Maraming pinoy pa rin ang hindi nakasanayan ang pag-iipon sa bangko.
Kadalasan, nagdadalawang-isip sila na pumasok sa bangko sa paniniwalang maraming requirements at mataas ang initial deposit. Habang ang iba naman ay kuntento nang nakatago sa bahay ang kanilang ipon na pera para “easy access” kapag may biglaang gastusin.
Pero ang payo ng mga eksperto, mas mabuti na nasa bangko ang perang naipon para iwas sa “risk” o panganib na mawala o manakaw ito. Ang dapat lamang gawin ay bisitahin ang bangko at mag-open ng account.
Ano nga ba ang benefits ng pagkakaroon ng account sa bangko?
• Convenience – Dahil sa technology ng bangko, maaari na magpadala ng pera nang hindi na kinakailangan lumabas ng bahay. At kung ang account ay may kasamang ATM card, pwede na rin itong gamitin pambayad ng mga bilihin basta’t may point of sale (POS) terminal.
• Ligtas ang ipon – Ang perang nasa bangko ay protektado mula sa nakaw, trahedya at kalamidad. Dagdag pa rito, ang perang nakadeposito sa bangko ay “insured” kaya anuman ang mangyari, tiyak na maibabalik ang perang naipon.
• Paraan para madagdagan ang ipon – Dahil ang bangko ay nagbibigay ng interest o tubo sa nakadepositong pera, puwedeng mapalago ang ipon overtime.
• Access sa credit o loan – Ang bangko ay nagbibigay ng access sa mga depositors para makapag-loan pampatayo ng bahay, makabili ng sasakyan, o kaya’y dagdag pondo para sa negosyo.
• Recorded lahat ng transactions – May record ang lahat ng transactions kapag may bank account. Dahil dito, mas madaling makontrol ang pag gastos. Mahihiwalay ang pera na panggastos at pera na pang emergency fund, o kaya ang pera na iniipon para sa isang mahalagang bagay.
“Para sa maraming Pilipino, kakaiba at bago pa rin ang karanasan ng pagkakaroon ng savings account,” paliwanag ni Jesus Antonio S. Itchon, Presidente ng BDONB. “Kaya ang priority namin sa BDONB ay dalhin sa mga malalayo at liblib na lugar ang banking services para sila ay mapagsilbihan at ma-experience ang benepisyo ng pagkakaroon ng account sa bangko.”
Para malaman ang advantages at benefits ng pagkakaroon ng account, bumisita at magtanong sa pinakamalapit na BDONB branch sa inyong bayan.
####
About BDO Unibank, Inc.
BDO is a full-service universal bank which provides a wide range of corporate and retail services such as traditional loan and deposit products, treasury, trust banking, investment banking, private banking, rural banking, cash management, leasing and finance, remittance, insurance, cash cards, credit cards, and online and non-online brokerage services.
BDO has the country’s largest distribution network, with over 1,500 consolidated operating branches and more than 4,400 ATMs nationwide. It also has 16 international offices (including full-service branches in Hong Kong and Singapore) in Asia, Europe, North America and the Middle East.
The Bank also offers digital banking solutions to make banking easier, faster, and more secure for its clients.
BDO ranked as the largest bank in terms of total assets, loans, deposits and trust funds under management based on published statements of condition as of December 31, 2021. For more information, please visit www.bdo.com.ph.
BDO is regulated by the Bangko Sentral ng Pilipinas with contact number (+632) 8708-7087 and with email address consumeraffairs@bsp.gov.ph, and webchat at www.bsp.gov.ph.
Deposits are insured by PDIC up to P500,000 per depositor.
For concerns, please visit any BDO branch nearest you, or contact us thru our 24×7 hotline (+632) 8631-8000 or email us via callcenter@bdo.com.ph.
BDO Unibank, Inc.
BDO Tower Valero
8741 Paseo de Roxas, Salcedo Village
Makati City 1226, Philippines.
Tel +63(2) 8840-7000
www.bdo.com.ph